Ang Cheese Curls Ni Manong Potpot

Naging ruta na ni Manong Potpot ang eskinita sa labas ng aming lumang bahay. Tuwing alas tres ng hapon ang kanyang dating - tamang tama bago mag Batibot na kasunod naman ay Carebears na noon ay sa Channel 4 pinapalabas. Sa basketball court na ang tawag sa amin ay Badjao, maririnig ang busina ng paparating na kariton. Dali-daling magsisilabasan ang mga bata't mga tambay mula sa kanilang mga