Black Hole
Naglalakad ako habang nagyoyosi nang maaninag na bukas pa ang ilaw sa pintuan na katapat ng aming bahay. Sumilip ako para maki-usyoso. Maraming labada sa paligid. Karaniwang ginagawang laundry area ang lugar na iyon, pero ngayon pa lang may naglaba ng hatinggabi. Ang pintuang iyon na gawa sa rehas na bakal ay maraming gamit. Palibhasa ay may katabi kaming Sari Sari Store kaya doon