Beyonce

Minsan sa inuman ng mga engkantos maraming linggo na ang nakakaraan ay napag-usapan ang love life ng isa naming kasama. Tanong ni Daddy Fox kung bakit hindi pinapakilala ni bunso ang kanyang kabiyak samantalang mukhang masaya naman ito sa kanyang relasyon. Kahit si Pilyo ay tikom bibig rin. Marahil ay alam niya ang sagot ngunit dahil nalimot na niya ang kanyang simula,  (at puwede ring hindi niya