Manboobs

Madalas siyang  tawaging  Jog-Jog ng mga kaklase ko noong high school.  Ang akala ng mga taga-ibang section ay mula iyon sa dalawa niyang pangalan na Joshua Gregorio.  It makes sense daw kasi.  Subalit sa oras na malaman ng mga nagtatanong ang tunay na dahilan, ang mga ito'y magtatakip ng bibig upang pigilin ang pagtawa.  Ang iba naman ay walang prenong mang-aasar makasakit lang ng damdamin ng