Hele | Duyan
Ang dapat sanang muling pagpikit ng aking mga mata ay paulit-ulit na napuputol dahil sa manaka-nakang pag-iyak ni Baby Lenin sa katapat na kuwarto. Inihabilin kasi siya upang alagaan ng kanyang lola habang ang mama nito ay nakiki-rally sa Mendiola. Pinuntahan ko ang mag-lola upang tingnan kung paano makakatulong. Nalaman ko na pinapatulog pala ang bata pero ayaw nitong dapuan ng