Mustard Seed Faith

"Umulan ka naman o..."  Pakiusap ko iyon sa langit nang minsang naglalakad ako papasok sa trabaho. Katumbas rin ng isang stick ng Marlboro ang  layo ng office mula sa babaan ng jeep. At sa tuwing inaatake ako ng pagkakuripot ay nilalakad  ko  ang  distansyang iyon kahit mataas ang tirik ng  araw.Humaharap ako sa team na minsan ay kakaligo lang sa pawis, pero ayos naman, lahat kami ay naglalakad