Sardonic

Minsan ay naligaw ako sa Bambang para may bilhin sa Human Nature outlet doon. Dahil dayo ako ng Tondo, isang maling liko at napadpad ako sa lugar ng mga squatter.Sa dulo ng kalsada ay may makipot na eskinita. Ang lagusan ay tumatagos sa mga bahay na yari sa pinagtagpi-tagping kahoy at yero. Dalawang palapag man ang mga ito pero ilang pamilya rin ang nagsisiksikan dito. Naiimagine ko na sako